Home NATIONWIDE Comelec wala nang hurisdiksyon sa barangay officials

Comelec wala nang hurisdiksyon sa barangay officials

MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang may hurisdiksyon sa mga halal na barangay officials, at hindi ang poll body patungkol sa mga opisyal ng barangay na maaring makilahok sa signature campaign para itulak ang Charter Change.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hiniling ng DILG ang legal opinion ng Comelec kung saan sinabi nila na ang kanilang hurisdiksyon ay patungkol kung paano ang kilos ng mga kandidato pero kapag nahalal na at naproklama ay wala nang hurisdiksyon ang Comelec.

Kaya naman, pagdating sa mga opisyal ng barangay, ipinaliwanag ni Garcia na ang DILG ang may say kung paano sila dapat kumilos at sa limitasyon ng kanilang kapangyarihan.

Sinabi ni DILG Undersecretary Felicito Valmocina nitong weekend na dapat iwasan ng mga barangay officials na masangkot sa signature campaign dahil maaaring ito ay isang paglabag.

Bilang tugon, nilinaw ni DILG Secretary Benhur Abalos nitong Lunes na ang babala na inilabas ni Valmocina ay personal niyang opinyon lamang at hindi posisyon ng DILG.

Sinabi ni Abalos na sumulat siya sa Comelec upang linawin ang papel ng mga opisyal ng barangay sa partisan political activities, kabilang ang people’s initiative. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articlePaggamit ng ‘pinyapel, isususulong sa Senado bilang alternatibo sa plastic
Next articlePagdalo sa Coldplay concert ipinagmalaki ni PBBM: Unmissable