Home NATIONWIDE Comelec walang obligasyon na magbayad sa contractor ng Pilipinas Debates 2022

Comelec walang obligasyon na magbayad sa contractor ng Pilipinas Debates 2022

386
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na wala itong obligasyon na magbayad sa umano’y nakabinbing halaga na dapat ayusin sa contractor para sa 2022 election debate.

Sa panayam ng CNN Philippines, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na sa abot ng kanilang pang-unawa at pagbabasa ng kontrata ay walang obligasyon dito ang Comelec.

Nitong Lunes, Mayo 8 nang matanggap ng Comelec ang kopya ng “final demand” letter mula sa Impact Hub Manila na humihimok sa komisyon na magbayad ng unsettled liability nito na nagkakahalaga ng P15.3 milyon.

Ito ay kaugnay ng kasunduan na nilagdaan ng dalawang partido para sa pagsasagawa ng Pilinas Debates sa 2022 polls.

“Despite our client’s repeated demands, both verbally and via email, the claims have remained unpaid. As such, please consider this as the final demand to coordinate and set a meeting with us to discuss the settlement of the outstanding balance,” nakasaad sa liham na may petsang Abril 27.

Nagbabala ang kompanya na magpapatupad ng legal remedies kung hindi mabayaran ang nasabing halaga.

Nanindigan si Garcia na ang Comelec ay walang nakabinbing obligasyon sa Impact Hub Manila.

Ipinunto ni Garcia na ito ay public funds at kailangang protektahan sa lahat ng gastos kaya napapailalim ito sa pinakamahigpit na mga patakaran sa pag-audit at mga patakaran sa disposal ng public fund.

Binanggit ni Garcia na nagkaroon ng problema sa pagpapatupad ng proyekto at dumating sa punto na napahiya ang Comiission on Elections.

Tinutukoy ni Garcia ang insidente na nangyari noong Abril 2022 kung saan dalawang Comelec-sponsored debates ang nakansela kasunod ng pagkabigo ng Impact Hub Manila na bayaran ang P14 milyong utang nito sa Sofitel- ang venue kung saan ginanap ang debate.

Anang opisyal, nagsagawa na ng imbestigasyon at inaasahan ang initial report sa susunod na linggo.

Lima hanggang anim na Comelec personnel ang maaring sangkot sa kaguluhan ayon kay Garcia.

Kasong criminal, civil at administratibo ang isasampa laban sa mga mananagot, dagdag pa ni Garcia. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleRemate express kampeon sa CBA
Next articleAtletang sumabak sa SEA Games pinuri ni PSC Chairman Bachmann

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here