Home NATIONWIDE Comfort women nanawagan ng hustisya sa pagbisita ni Japan PM Kishida

Comfort women nanawagan ng hustisya sa pagbisita ni Japan PM Kishida

MANILA, Philippines – Kinalampag ng Filipino comfort women na ibigay na ang hustisya at reparation para sa mga pang-aabuso ng Japanese troops sa panahon ng World War II, kasabay ng pagbisita ni Prime Minister Fumio Kishida sa Pilipinas noong Nobyembre 3 hanggang 4.

Sa ngayon ay mayroon na lamang na 38 surviving Filipinos na pwersahang ginawang comfort women, ayon sa advocates for comfort women o kilala bilang Flowers for Lolas.

Ayon sa isang survivor, ang 93-anyos na si Estelita Dy, nais niyang maging guro nang bata pa siya ngunit sinira ng mga sundalong Hapon ang pangarap niyang ito nang pwersahan siyang ginawang sex slave nang siya ay 14-anyos pa lamang.

“Nung panahon ng Hapon, hindi na kami nakapag-aral. Wala kaming magandang kinabukasan at ano na lang ang mapapasukan naming trabaho? Katulong?” sinabi ni Dy.

“Ako, ang balak ko (maging) teacher,” aniya.

“Pero hindi ko nakamit ang maging teacher dahil naalala ko ‘yung mga nangyari sa akin.”

Hinimok ni Dy si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipanawagan ang hustisya para sa kanila.

“Ngayon, nanawagan kami kay Presidente [Ferdinand] Bongbong Marcos na tumulong sa amin na makipag-ano kay Fumio Kishida para naman maibsan ang aming mga kaapihan nung panahon pa ng Hapon,” aniya.

“Sana mabigyan na ng hustisya. Bago man kami mamatay, may hustisya kaming nakakamit sa gobyernong Hapon.”

Higit pa sa hiling na reparations at formal apology mula sa pamahalaan ng Japan, nais din ng Flowers for Lolas na ituro sa mga paaralan ang ginawang pagpapahirap ng mga sundalong Hapon.

“We allowed Japan to put up memorials and shrines honoring their dead soldiers who killed, tortured, raped our women, children. Why can’t the government put up shrines and memorials recognizing our own comfort women? It is unfair,” ayon kay Flowers for Lolas lead convenor Teresita Ang-Lee.

Sinabi naman ni Virginia Suarez, abogado para sa comfort women, na ang mga kwento ng mga lola ay dapat na maipreserba.

“Posibleng magkaroon ng [we might see] second generations of comfort women, second generation of victims of military sexual slavery if the stories of the lolas will not be included in the curriculum,” ani Suarez. RNT/JGC

Previous articleEx-PRRD matapos madulas sa sahig, OK na
Next article7 Filipino mula Lebanon nakauwi na