Home HOME BANNER STORY Commercial fishing sa ilang bahagi ng Sulu sea pinagbawal ng gobernador

Commercial fishing sa ilang bahagi ng Sulu sea pinagbawal ng gobernador

MANILA, Philippines – Iniatas ni Sulu Governor Abdusakur Tan ngayong Biyernes ang pagbabawal sa komersyal na pangingisda sa teritoryong karagatan ng lalawigan sa loob ng Sulu Sea upang bigyang-daan ang maliliit na mangingisda.

“Nagko-complain na rin iyong mga tao namin dito,” ani Tan sa interbyu ng Dobol B TV.

“Una, hindi sila makalapit diyan sa mga malalaking fishing company vessels at nauubos din iyong isda namin. Hindi nakakakuha iyong maliliit na mangingisda,” aniya pa.

Sinabi ng gobernador na ilang malalaking sasakyang pandagat ang umano’y bumabaril sa mga maliliit na mangingisda sa lugar.

Dagdag pa ni Tan na ang gobyerno ng Sulu ay hindi nakikinabang sa operasyon ng mga commercial fishing vessels.

Ipinunto rin niya na ang mga pagawaan ng canning ng malalaking fishing vessel ay matatagpuan sa mga lugar ng Zamboanga kaya doon sila nagbabayad ng buwis at iba pang bayarin.

Sa kabilang banda, pinabulaanan ng gobernador ng Sulu ang mga alegasyon na ipinagbawal niya ang komersyal na pangingisda dahil ilang kumpanya ng pangingisda ang tumigil sa pagbili sa kanya ng mga produktong petrolyo dahil umano sa sobrang taas na presyo.

“Matagal na ako sa negosyo ng fuel pero hindi naman iyon…Hindi ko po sila pinipilit. Ngayon ang dami ng may utang, hindi ko nga nasisingil e,” aniya pa. RNT

Previous articleBong Go sa DOH: Allowance, benepisyo ng HCWs ibigay na
Next article59-day suspension inirekomenda sa 20 parak na sabit sa Jemboy slay