Home METRO Commercial property sa Sucat, Parañaque nagliyab!

Commercial property sa Sucat, Parañaque nagliyab!

156
0

MANILA, Philippines- Nasunog ang isang commercial property sa Sucat, Parañaque City nitong Linggo ng gabi.

Naiulat unang alarma sa sunog sa Barangay San Antonio first alarm bago sumapit ang alas-11 ng gabi, base sa ulat nitong Lunes.

Subalit, agad itong kumalat dahilan para ikasa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang fifth sa loob lamang ng limang minuto.

Umabot ang sunog sa Task Force Bravo, na nangangahulugang kinailangan ng 19 firetrucks para apulahin ito.

Nahirapan ang mga bumbero sa pagsugpon sa apoy dahil hindi sapat ang suplay ng tubig sa lugar.

Kumalat din ang apoy sa katabing commercial property.

Nakalikas naman ang mga manggagawa sa commercial property nang maganap ang sunog.

Lampas alas-4 ng umaga nitong Lunes nang makontrol ang apoy. Dahil sa tindi ng sunog, hindi pa maideklara ng BFP ang “fire out”.

Sinabi ni BFP Senior Superintendent Douglas Guiyab na nagmula ang apoy sa workers’ barracks sa east-west side ng warehouse.

Nakatago sa 25,000-square meter warehouse ang lumber dahilan para agad na kumalat ang apoy, dagdag niya.

Inihayag din ni Guiyab na kinailangan pa nilang kumuha ng tubig mula sa ibang lungsod para puksain ang apoy.

Base sa BFP, umabot ang pinsala sa property sa humigit-kumulang P20 milyon. RNT/SA

Previous articleLibro ni Nora, walang itatago, out na this year!
Next articleRobbery suspects pauuwiin sa Japan sa Martes