MANILA, Philippines- Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara ni Agri Partylist Rep. Wilbert Lee na nagsusulong na taasan ang commercial vehicles’ liability insurance upang matiyak na hindi dehado ang mga biktima at ang kanilang pamilya sa oras na nagkaroon ng aksidente lalo na sa pagkakataon na may nasawi.
Umapela si Lee sa Kamara na agad mapasa ang House Bill (HB) 8498, o An Act Increasing the Compulsory Third Party Liability Insurance (CTPLI) for Commercial Vehicles and Total Indemnity Claim for Death or Injury of Any Passenger, Third Party, or Pedestrian without the Necessity of Proving Fault of Negligence.
“The news can inform us about these road tragedies, but they do not show how much families suffer because of these accidental deaths. Ang masakit dito, nawalan ang mga pamilyang ito ng mga mahal sa buhay, tapos malalaman nila na PHP100,000 lang ang pwede nilang i-claim sa CTPLI at PHP15,000 sa no-fault indemnity,” paliwanag ni Lee.
Sa ilalim ng panukala ni Lee ang insurance claim para sa death o injury sa bawat aksidente sa pasahero at sa pedestrian ng mga commercial na sasakyan na may gross weight na 4,500 kg ay dapat gawing P1 million mula sa dating P15,000 habang sa mga sasakyan na ang gross weight ay mas mataas sa 4,500 ay dapat P2 million.
“There is a difference in the amount of insurance claim because the likelihood of an accident increases with the commercial motor vehicle size,” paliwanag ni Lee.
Sinabi ni Lee na ang nasabing halaga ay hindi pa nga sapat kung tutuusin lalo at hindi na maibabalik ang buhay ng isang biktima. Gail Mendoza