Home NATIONWIDE ‘Comprehensive sexuality education’ muling susuriin ng DepEd vs teen pregnancy

‘Comprehensive sexuality education’ muling susuriin ng DepEd vs teen pregnancy

MANILA, Philippines – NANGAKO ang Department of Education (DepEd) na muling susuriin at paiigtingin ang comprehensive sexuality education (CSE) sa layuning tugunan ang tumataas na kaso ng teenage pregnancy sa hanay ng basic education learners.

Sinabi ni DepEd Assistant Secretary Alma Ruby Torio na ang CSE ay kasama sa iba’t ibang lugar ng pag-aaral gaya ng values education, good manners and right conduct, health and technology at kabuhayan.

“For now, we have flexible options for our learners. One of which is the provision of alternative learning delivery mode as well as the appropriate learning delivery for those learners who are in special circumstances,” ayon kay Torio sa mga senador sa isinagawang public hearing ng Committee on Basic Education.

Tinukoy kasi ni Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng panel ang resulta ng National Demographic and Health Survey ng Philippine Statistics Authority, makikita na 8.6% ng 15-19 taong gulang ng mga batang babae o 1 mula sa 10 ang nabuntis noong 2017.

“If they become pregnant, most likely they will stop school, and if they stop school, they will not gain knowledge to help them get employed,” ayon kay Gatchalian.

Matatandaang, noong 2022, bumaba ito sa 5.4% subalit nagpahayag pa rin ng pag-alaala si Gatchalian na ang teenage pregnancy sa hanay ng 15 taong gulang ay tumaas mula 0.5 sa 1.4.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni dating DepEd Secretary Leonor Briones, present sa nasabing pagdinig, inalala nito na noong kanyang panahon, nagpalabas ng direktiba ukol sa buntis na batang babae na pahintulutan na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

“Not only the girls, but the boys should also have exposure to reproductive health and we started that as a regular part, but not expelling students who get pregnant,” ayon kay Briones, ngayon ay center director ng Southeast Asian Ministers of Education Organization INNOTECH.

Samantala, sinabi naman ni Torio na ang DepEd ay mayroong Learner Rights and Protection Office (LRPO), nangungunang unit na may kaugnayan sa child protection sa iba’t ibang antas ng pamamahala.

Sa ilalim ng LRPO ay ang Child Protection Unit na naglalayong ang mga mag-aaral sa Pilipinas ay protektado mula sa karahasan, eksploytasyon o pananamantala, diskriminasyon, bullying, at Iba pang uri ng pang-aabuso sa eskuwelahan.

Samantala, nagpahayag naman ang DepEd ng pagsuporta sa panukala ng Senado na i-standardize ang CSE sa lahat ng antas ng basic education, sabay sabing matitigil na nito ang “persistent taboo” ukol sa talakayan hinggil sa “adolescent sexuality at reproductive health.” Kris Jose

Previous article100K multiple voter registrant kakasuhan ng Comelec
Next articlePagtatanim ng Sampaguita pinalakas ni SPC Cong. Matibag