Home ENTERTAINMENT Concert ni Sarah G, postponed; kalusugan, ininda!

Concert ni Sarah G, postponed; kalusugan, ininda!

Manila, Philippines – Bad news sa mga tagahanga ni Sarah Geronimo na kinasasabikang mapanood ang kanyang concert sa October 1.

In a joint statement released by Viva Live and G Studios nitong September 28, Huwebes, ang kasado na sanang pagtatanghal ng Popstar Royalty kasama si Bamboo sa SMX Convention Center sa Pampanga ay ni-reset sa October 29.

“Unexpected medical condition” ang umano’y dahilan sa likod ng concert postponement.

Bagama’t hindi binanggit ang partikular na kundisyon ng kalusugan ng singer-actress, pangunahing prayoridad daw nito ang kanyang health.

Nagbigay ng assurance ang kampo ni Sarah na walang dahilan para mabahala o mag-alala ang kanyang mga tagasuporta.

Hihintayin lang daw ng kampo ni Sarah na ganap itong maka-recover.

Sa kabilang banda, umaasa ang mga fans ni Sarah na sana’y may kaugnayan ito sa pagbubuntis nito sa asawang si Matteo Guidicelli.

Kung tutuusin daw, long overdue na ang pregnancy ni Sarah considering the length of her marriage.

Kung sakali raw kasing pregnancy related ang health condition ng kanilang idolo, tiyak na magiging daan daw ‘yon para tuluyan na silang mag-ayos ng kanyang Mommy Divine.

Co-producer ng Viva Live ang G Studios na pag-aari ng mag-asawang Sarah at Matteo from the common initial of their last names.

Get well soon, Sarah G! Ronnie Carrasco III

Previous articleSocorro cult members nag-aalisan na sa bundok
Next articleHealth workers: No to PGH Budget Cut!