Home NATIONWIDE Confi, intel fund requests sa gov’t agencies, parang nauuso na – Ejercito

Confi, intel fund requests sa gov’t agencies, parang nauuso na – Ejercito

MANILA, Philippines – Nababahala si Senador JV Ejercito sa tila “trend” ng pag-request ng confidential at intelligence funds sa mga ahensya ng pamahalaan sa proposed 2024 national budget.

“Sa ibang agencies, tatanungin muna natin kung saan nila gagamitin. Why do they need intelligence funds? Bakit parang nauso na, bakit lahat biglang humihingi na ng intelligence funds? We will ask them during the budget season for what purpose,” puna ni Ejercito.

Ang pahayag na ito ng senador ay kasunod ng pagpasa ng Malacanang sa P5.768-trillion National Expenditure Program (NEP) para sa 2024 sa Kamara.

Kabilang sa proposed budget measure ang P10.142 billion confidential at intelligence funds (CIF) sa ilang government agencies para sa fiscal year 2024.

Kung bubusisiin, pinakamalaki sa proposed CIF ay mapupunta sa Office of the President sa P4.51 billion.

Makakakuha rin ng P50 milyon ang Department of Agriculture (DA) na pinamumunuan din ng Pangulo.

Kabilang din sa proposed CIF ang P500 milyon para sa Office of the Vice President Sara Duterte, at P150 million para sa Department of Education (DepEd) na siya rin ang namumuno.

Ang iba pang departamento na humihingi ng CIF ay ang National Defense (DND) sa P1.89 billion, Interior and Local Government sa P906.62 million, Justice sa P471.29 million, Information and Communications Technology sa P300 million, Finance sa P111 million, Foreign Affairs sa P50 million, Social Welfare and Development sa P18 million, Transportation sa P15.6 million, at Environment and Natural Resources sa P13.95 million.

Ayon naman kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang P120 milyon na pagtaas sa CIF ay para sa karagdagang alokasyon sa Department of Information and Communications Technology, Presidential Security Group, at Anti-Money Laundering Council.

Sinabi rin ng kalihim na ang confidential at intelligence fund ay nasa “decreasing trend.”

0.215% – 2018
0.192% – 2019
0.235% – 2020
0.212% – 2021
0.183% – 2022
0.190% – 2023
0.176% – 2024

Bagama’t pinuna ni Ejercito ang CIF requests ng ibang ahensya, ilan sa mga ito ang “justifiable” naman katulad na ang confidential funds para sa DICT.

“Titingan natin kung talaga ba ito ay for cybercrime, anti-fraud. Marami na rin nabibiktima. This is our new enemy right now. Kung doon nila gagamitin, I think, that’s justifiable kasi ang tinitira ng mga scammers na ito ‘yung mga vulnerable, senior citizens, ‘yung mga bata,” anang senador.

Maging mismong anak umano niya ay nabiktima ng scammer.

“This is a new crime that we are now facing. Because of the advent of technology, ang dami na hong cases of cybercrime, ang daming fraud,” pagtatapos ni Ejercito. RNT/JGC

Previous articleBabae patay sa bugbog ng mister sa SoCot
Next articleNLEX-SLEX connector road maniningil na ng toll fee simula Agosto 8

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here