Home OPINION CONFIDENTIAL INTEL FUNDS

CONFIDENTIAL INTEL FUNDS

MAINIT na usaping ngayon ang pagkakaroon ng ‘confidential at intelligence fund’ ng bawat tanggapan nang namumuno ng bawat ahensiya ng pamahalaan.

Partikular na nagpasabog nito ang pagkakagastos  ng CIF ng tanggapan ni Vice President at Education Secretary Sara “Inday” Duterte.

Pero ‘di yan ang isesentro natin ngayon. Focus tayo sa CIF. Para saan ba ito? May mapapalala ba ang taumbayan sa pondong ito?

Meron naman. ‘Di nga lang direktang gaya ng mga ayuda.

Mismong si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. ang nagsabi na kinakailangan talaga ito. At maging mga local goverment unit nga raw ay naglalaan din ng CIF sa kanilang budget para sa opisina ng kanilang local chief executive.

Tama nga lang daw ang paglalaan ng ganitong pondo, hanggat ‘di naabuso o nagagamit sa mali. Dahil ang intensiyon ng CIF o ng pondong ito ay para sa katatagan ng ‘peace and order’.

Alam na alam ni Abalos ito na dating Mandaluyong mayor din. Dahil ina-address din ng LGU ang mga hamon ng krimen, terorismo, at maging banta sa environment at human security.

Paano ang pag-gamit ng pondo kung ganoon? Sa paglaban sa krimen, kailangan mong pumailalim at makisali sa mga gumagawa nito. Paano mo gagawin ito? Magbabayad ka nang malaki, para sa mga tao mong itatanim sa loob ng isang sindikato, halimbawa na lamang. Peligro ang susuungin ng mga ito.

Ang mga kagamitang kanilang kinakailangan ay kailangan ring tustusan. Parang sa mga ‘spy thriller’ na mga palabas. ‘Di ba mga sopistikadong kagamitan ang dala-dala ng mga sumusuong sa panganib para lamang mapasok ang kaharian ng kontrabida.

Sa terorismo, halimbawa na rin. Hindi ba kailangan mo ma-infiltrate ang kilusan ng mga komunistang-terorista?

Kailangan mo ring mahuli ang mga recruiter nila sa mga paaralan at unibersidad. So, paano mo sasabihin at iuulat ang mga salaping ginamit mo sa mga operasyong gaya ng mga yan.

Sabi nga ni Abalos, may mga panuntunan namang inilabas diyan, gaya ng DILG memorandum circular 2022-118 na pumapayag sa paggamit ng CIF at saan nararapat gamitin ito.

‘Di n’yo ba napapansin, bakit tahimik at walang makapanggulo nang malawakan sa ating lipunan? Ito ay dahil sa trabaho ng iba’t ibang intelligence-gathering unit na pini-finance ng CIF.

Previous articleLotto Draw Result as of | October 4, 2023
Next articleBatanes, signal no. 3 kay #JennyPh