Home IN PHOTOS Cong. Tiangco, pasok sa top performing representative!

Cong. Tiangco, pasok sa top performing representative!

373
0

MANILA, Philippines – LUBOS na nagpapasalamat si Navotas City Congressman Toby Tiangco matapos makasama siya sa mga “Top Performing Representatives” ng bawat distrito ng bansa sa isinagawang “job performance” survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).

Base sa inilabas na “Boses ng Bayan” nationwide survey, nanguna sina Sandro Marcos (95.8%), Kristine Singson (95.6%), Duke Frasco (95.6%), Pablo John Garcia (95.2%), at Chiquiting Sagarbarria (95.1%) bilang pinakamahusay na gumanap na mga kinatawan ng distrito sa Pilipinas, kasunod sina Toby Tiangco (92.5%), Camille Villar (92.3%), Oca Malapitan (92.1%) at iba pa.

Nagpasalamat naman si Cong. Tiangco sa kanyang mga kababayang Navoteño sa pagkakasama sa kanya sa “Top 3 House Representatives” sa buong Pilipinas kung saan isa aniya itong karangalan para sa kanya.

“Mga Navoteño, kilalang-kilala nyo na po ako. “Tapat at buong pusong serbisyo” ang tanging alam kong isukli sa inyong tiwala at ang tuloy-tuloy na pag-angat ng ating minamahal na lungsod at ng buhay ng bawat Navoteño ang ating patuloy na pinagsisikapan”, ani Cong. Toby.

Nagpaabot rin ng pagbati sa lahat ng mga Top Performing Representatives si Cong. Tingaco, “Sana tayong mga pinagkakatiwalaang mamuno ay patuloy na magsikap sa pagbibigay ng pinakamataas na antas na serbisyo sa ating mga nasasakupan”, aniya. R.A Marquez

Previous articleAnjo, asa-pa-more na mababayaran na sa EB!
Next articleTulfo kay PBBM: Ownership ng China sa NGCP, malaking banta sa bansa

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here