Home OPINION CONGRATS ‘LONE BETTOR’

CONGRATS ‘LONE BETTOR’

116
0

MALUGOD na binabati ng kolum na Sa Kanto ang mga
solong nagwagi sa Lotto ng Philippine Charity
Sweepstakes Office.

Kahapon, sinabi ng PCSCO na may isa na namang
tumama sa lotto o sa Ultra Lotto 6/58. Natumbok niya ang
jackpot na mahigit P87 milyon.

Ang nasabing lotto winner ay masuwerteng nilalang,
kagaya ng mga naunang nakadale rin ng jackpot.
Sabi nga, dumami pa sana ang lahi n’yo nang sa gayo’y
maging sandamakmak na ang milyonaryo sa Pilipinas.

Gayunman, sa tuwing ibinabalita ng PCSO na “lone
bettor” ang nakadadale ng jackpot sa lotto ay marami
naman ang hindi natutuwa.

At siyempre, kasama na rin ang mga inggit. Hehehe!
Inuulan ng batikos ng netizens ang PCSO na wari bang
hindi sila makapaniwala na may “lone bettor” na namang
nakatumbok ng jackpot.

Kasi nga naman, kung noong araw na napakahirap
tamaan ang lotto, ngayo’y  tila napakadali na.

Dangan kasi’y sunod-sunod o ilang “lone bettor”  na ang
nagwagi sa lotto. Kaya congrats kay “lone bettor” .

Tahimik naman ang PCSO sa mga “pagdududa”  ng
netizens kung may mga totoo ngang “lone bettor”  na
nakasusungkit ng lotto jackot.

Para sa atin, wala namang dapat ipaliwanag o patunayan
ang PCSO sa mga nagdududa sa kanila.

Sa tuwina kasing may “kumukubra”  ng jackpot sa kanilang
opisina, inihaharap naman nila ito sa madla sa
pamamagitan ng media o social media.

Sadya lang iniingatan ng PCSO na “mabuyangyang”  ang
mukha at pagkakakilanlan ng lotto winner dahil baka
hantingin ng masasamang loob saka “hingan ng balato” .
Hak! Hak! Hak!

Previous articleP1.1M pekeng sigarilyo nasamsam
Next articleAMNESTY, HIKAYAT NI SEC. GALVEZ 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here