Home METRO Consignee ng P56M shabu package kalaboso!

Consignee ng P56M shabu package kalaboso!

MANILA, Philippines- Tinatayang nasa higit P56 milyon halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Custom (BOC) Port of Clark kung saan naaresto ang nagsilbing claimant nito sa isinagawang operasyon sa Cavite.

Ayon sa BOC, dahil sa impormasyon na natanggap nila mula sa PDEA isinailalim sa x-ray screening at sa K9 sniffing ang ang isang kargamento kung saan nagpahiwatig na naglalaman ito ng iligal na droga.

Agad isinagawa ang pisikal na pagsusuri na nagresulta sa pagkakadiskubre ng walong (8) brown na heat-sealed na plastic na naglalaman ng ilegal na substance na idineklara bilang “dry food” na dumating noong Disyembre 17, 2023, mula sa California, USA.

Kinumpirma naman ng PDEA sa isinagawang chemical laboratory analysis na ang nadiskubreng substance ay nagtataglay ng Methamphetamine Hydrochloride o mas killaa ito na shabu na isang dangerous drug na ilalim ng R.A. No. 9165.

Nagsagawa naman ng Controlled Delivery Operation ang mga tauhan ng BOC at PDEA sa Cavite na nagresulta sa pagkaka aresto sa isang lalaki na nagsilbing claimant nitong Disyembre 19, 2023.

Nag isyu naman ng Warrant of Seizure and Detention si District Collector Erastus Sandino Austria laban sa nasabing kargamento dahil sa paglabag sa R.A. No. 10863 o mas kilala na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na may kaugnayan sa R.A. No. 9165.

Ang naturang operasyon ay itinururing na pinakamalaking pagkasamsam sa iligal na droga na naitala ng Port of Clark nitong 2023. JAY Reyes

Previous articlePinas swak sa ‘top performing Asian countries’ ngayong 2023
Next articleDecember inflation posibleng pumalo sa 4.1% – ekonomista