Home NATIONWIDE Consolidated bill para sa teenage pregnancies, lusot na sa committee level sa...

Consolidated bill para sa teenage pregnancies, lusot na sa committee level sa Kamara

79
0

MANILA, Philippines- Aprubado na sa House Committee on Youth and Sports Development ang consolidated billl para sa walong panukala na nagsusulong na magpatupad ng polisiya para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng teenage pregnancies.

Sa naging pagdinig ng komite ay napagkasunduang pagsamahin na sa iisang panukala ang House Bills 79, 2062, 2524, 3211, 5559, 6901 at 6964 na naglalayong maging “accessible” ang family planning methods sa mga sexually active minors.

Sa kanyang opening remarks sinabi ni Isabela Rep. Faustio Dy na ikalawa ang Pilipinas sa mga Southeast Asian Countries na may mataas na kaso ng adolescent birth rate na nasa 5.9% sa mga minors may edad 15 hanggang 19-anyos base na rin sa datos ng Commission on Population and Development (PopCom), una sa listahan ang Laos na may 6.33 percent.

Ayon kay Dy mula sa nakalipas na 11 taon ay pataas ang datos ng teenage pregnancies sa bansa.

Sa panig ni Albay Rep. Edcel Lagman, may akda ng HB 79, dahil sa adolescent pregnancies ay tumataas din ang kaso ng maternal mortality.

“Teenage pregnancy situation is a ‘national social emergency’ because of the declining average ages of adolescents experiencing early pregnancies and an increase in the number of families headed by teenagers,” pahayag ni Lagman.

“Due to early pregnancy, young girls fail to finish at least basic education. They lack adequate skills for remunerative work and are economically vulnerable,” dagdag pa ni Lagman.

Ani Lagman, apektado din ang ekonomiya ng bansa dahil sa teen pregnancies, nasa P3.3 bilyon ang revenue na nawawala dala ng nawalang oportunidad sana sa mga kabataan.

“Legislating a comprehensive law on preventing adolescent pregnancy is imperative to institutionalize policies and strategies on eliminating or mitigating adolescent pregnancy, and extend social protection to adolescent mothers and their infants,” giit pa ni Lagman.

Umaasa si Lagman na agad uusad ang pagsasabatas ng panukala para sa teemage pregnacies upang maisalba ang mga kabataan mula sa maternal death, unemployment , kahairapan at masiguro ang maayos na kinabukasan para sa mga ito.

Sa ilalim ng panukala ay bubuo ng community-based at culturally-sensitive comprehensive adolescent sexuality education (CASE), isasama din sa curriculum ang dikusyon sa sex, gender, adolescent sexuality at reproductive health na naglalayong maalis ang stigma sa ganitong usapin sa paaralan.

Magkakaroon din ng access sa impormasyon ang mga kabataan sa modern family planning methods kung saan gagawing prayoirdad dito ang mga kabataan na sexually active na at may karaasnasan na sa sexual activities. Gail Mendoza

Previous article90 Davao Oro hospital patients, inilikas sa lindol
Next articleLA Santos, aminadong nami-miss si Janella Salvador!