Home NATIONWIDE Constitutional crisis, unti-unting nangyayari sanhi ng peoples initiative – Zubiri

Constitutional crisis, unti-unting nangyayari sanhi ng peoples initiative – Zubiri

MANILA, Philippines – Inihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pangamba nitong Biyernes, Enero 26 hinggil sa constitutional crisis na unti-unting bumabalot sa bansa dahil patuloy na isinusulong ni Speaker Martin Romualdez ang Charter change sa pamamagitan ng people’s initiative na minanipula ng liderato ng Mababang Kapulungan.

“The Senate still maintains that this people’s initiative, in its current form and how the signatures are being collected, is flawed and unconstitutional. We have warned about a possible constitutional crisis and tried to avoid it. But unfortunately, it seems that this is slowly happening,” ayon kay Zubiri.

Sinabi pa ni Zubiri na nakatanggap siya ng liham mula kay Romualdez na may petsang January 25 na nagbabanggit sa isang alternatibong people’s initiatives na pangungunahan ng Senado sa pag-amyenda ng economic provisions ng 1987 Constitution.

“As for his suggestion of an alternative people’s initiative emanating from the Senate, there have been no discussions on this,” ayon kay Zubiri.

“We believe that any legitimate people’s initiative must be genuinely led by the people,” dagdag niya.

Kaya’t inamin ni Zubiri na mayroon nang krisis na inaasahan nitong maiiwasan sa lalong madaling panahon.

“We intend to carefully study the options available to us to maintain the checks and balances enshrined in the Constitution through a bicameral legislature. We remain vigilant for our country and for our people,” aniya.

Nitong Lunes, naghain ang Senado ng isang manipesto na nagkokondena sa pagsusulong ng people’s initiative, na may layunin na amendahan ang 1987 Constitution upang payagan ang miyembro ng Kongreso na magkasanib na bomoto sa panukalang constitutional amendments sa pamamagitan ng constituent assembly.

Kapag nangyari ito, malulusaw ang kapangyarihan ng Senado na bumoto nang hiwalay at mawawalan nang saysay ang kanilang boto laban sa 316 miyembro ng House of Representatives.

Itinuturong si Romualdez ang promotor ng peoples initiative katulong ang ilang kongresista na gustong manatili sa puwesto kahit paso na ang termino at magpasasa sa kapangyarihan, ayon sa ilang senador.

Nakatakdang maghain ng petisyon si Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. sa Korte Suprema upang kuwestiyunin ng peoples initiative ni Romualdez. Ernie Reyes

Previous articleBack rider sabog utak sa trak
Next article20 extortionist sa mga banyagang may malalaswang larawan, kalaboso