Home METRO Construction worker patay nang mahulog sa ginagawang gusali

Construction worker patay nang mahulog sa ginagawang gusali

MANILA, Philippines – ISANG 60-anyos na construction worker ang sinasabing nawalan ng panimbang at nahulog mula sa ibabaw ng canopy sa ginagawang gusali sa Don Quijote Street, Sampaloc Manila nitong Lunes ng umaga, Pebrero 12.

Kinilala ang biktimang si “Jumueno,” stay-in sa naturang lugar.

Ayon sa report ng Manila Police District – Homicide Section, bandang 9:30 ng umaga nang mahulog ang biktima matapos magsigawan ang mga estudyante na dumaraan sa lugar.

Una na umanong nakitang naninigarilyo ang 60-taong gulang na matandang lakaki sa isang tindahan sa Laon Laan Street hanggang sa muli umanong umupo ito sa ibabaw ng konkretong bato.

Hinala ng biktima na bigla umanong nahilo ang biktima kaya nawalan ito na balanse at nagtuloy itong nahulog mula sa ikatlong palapag.

Isinugod naman sa Jose Reyes Memorial Hospital ang biktma at idineklara itong dead on arrival. Rene Crisostomo

Previous articleCanada namuhunan ng $28.15M sa PH climate, healthcare initiatives
Next articleMagkapatid nalunod sa Taal Lake