Home METRO Construction worker, tiklo sa P120K damo

Construction worker, tiklo sa P120K damo

110
0

MANILA, Philippines- Arestado at kumpiskado sa isang teenager ang mahigit P.1 milyon halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana nang tangkain takasan ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan City Police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si Lenz Cyber Carandang, 18 ng Phase 4, Brgy. 176.

Base sa natanggap na ulat ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio PeƱones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na habang nagsasagawa foot patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 10 sa kahabaan ng Parkland, Brgy. 177 dakong alas-11:50 ng gabi nang mapansin nila ang suspek na nagsisigarilyo sa pampublikong lugar na malinaw na paglabag sa ordinansa ng lungsod.

Advertisement

Sa ulat ng pulisya, nang kanilang lapitan upang hingan ng indentification card para isyuhan ng ordinance violation receipt (OVR) ay itinulak umano ng suspek ang mga pulis saka tumakbo na naging dahilan upang habulin siya hanggang sa makorner at maaresto.

Nang tignan ang laman ng dala niyang isang eco bag ay nadiskubre sa loob ang isang brick ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may timbang na isang kilogram at may standard drug price value na P120,000.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. R.A Marquez

Previous articleSenate version ng estate tax amnesty bill, aprubahan na – Salceda
Next articleERC kinalampag vs NGCP: Parusa dapat ikasa – Gatchalian

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here