Home NATIONWIDE Consular operations sa NCR, Bulacan, suspendido bukas, Agosto 25 – DFA

Consular operations sa NCR, Bulacan, suspendido bukas, Agosto 25 – DFA

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang suspensyon sa consular operations nito sa Metro Manila at Bulacan bukas, Agosto 25, at buong bansa sa Agosto 28, araw ng Lunes.

Sa pahayag, sinabi ng DFA na suspendido ang operasyon sa DFA Aseana, DFA Consular Offices (COs), at Temporary Off-Site Passport Services (TOPS) sa Metro Manila at Bulacan sa Agosto 25.

“[This is in] pursuant to Memorandum Circular No. 27 issued by the Office of the President, dated 15 August 2023, due to the conduct of the opening ceremonies of the Fiba World Cup 2023,” sinabi ng DFA.

Samantala, suspendido rin ang operasyon sa DFA Aseana, lahat ng COs at TOPS, sa buong bansa bilang pagdiriwang naman ng Araw ng mga Bayani sa Agosto 28.

Sarado rin ang Passport Releasing Service Center ng DFA sa Double Dragon Meridian Park, Pasay City sa Agosto 25 at Agosto 28.

Ang mga apektadong appointment sa Metro Manila at Bulacan sa Agosto 25 ay tatanggapin naman mula Agosto 29 hanggang Setyembre 25 sa kani-kanilang Supervising Consular Offices. RNT/JGC

Previous articleRoad security paiigtingin pa ng LTO sa FIBA World Cup
Next articleDICT ‘in charge’ sa produksyon ng digital national IDs – NEDA