CONTACT DETAILS NG PASAHERO DAPAT BANG IBIGAY SA DRIVER?

CONTACT DETAILS NG PASAHERO DAPAT BANG IBIGAY SA DRIVER?

May 22, 2020 @ 10:56 AM 6 days ago

  • 1
  •  
  •  
    1
    Share
Share

Isa ito sa nais ipatupad ng LTFRB.

Ang rason daw ay para maging madali ang contact tracing ng mga pasahero kung sakaling may napatunayang positibo sa COVID-19.

Inulan ito ng batikos dahil nga sa tingin ng iba ay violation na ito ng privacy ng isang tao.

Impraktikal din ito dahil paano ililista ng mga pasahero ang pangalan at iba pang detalye habang nasa byahe?

Ka-OA na raw nito.

Pero sa amin sa Lawyers and Commuters Safety and Protection (LCSP) tingin po namin ay pwede naman maipatupad ito sa ibang public transportation, tulad halimbawa sa TNVS at Taxi.

Dahil gusto ng LTFRB na “cashless” na ang pagbabayad ng pamasahe ay mairerehistro ang pangalan ng pasahero o ng kung sinoman ang nag-book ng ride.

Kaya rin maipatupad ito sa provincial buses dahil pwede na sa terminal pa lang ay mapalista na ang contact details ng pasahero at dahil may mga CCTV naman na makukunan ng footage ang pasahero.

Pero mukhang mahihirapang ipatupad sa jeepneys, UV Express, o city buses ito dahil sa ‘baba-sakay’ ang pasahero at wala nang panahong magsulat pa ang mga ito.

At kung magsulat man ay walang kasiguruhan na ilalagay nila ang tama o totoong pangalan nila at iba pang detalye dahil nga sa privacy issues at seguridad na rin ng pasahero.

Marahil ay sapat na sa mga pampublikong sasakyan na siguraduhin ang social distancing sa pasahero at ang pagsusuot ng face mask.

Mainam din na may pang disinfect sa sasakyan.

Kailangan din na ang mismong pasahero ay maingat.

Ito ang “self-regulation” na mismo ng isang indibidwal – tandaan ang plate number ng sinasakyan, maghanda ng eksaktong pamasahe para maiwasan ang suklian at panatilihin ang social distancing sa pagpapatupad ng reduced capacity sa transport.

Dapat na rin ang disinfectant booths at foot mats sa mga terminal at mga loading and unloading zone.

Ang kahilingan na mass testing sa drivers at pasahero ay dapat tingnan kung kakayanin.

Kapag may ganito nang mga hakbang marahil ay karagdagan na lang at gawing optional ang pagbibigay ng mga personal na detalye sa public transport.

Share

Leave a Reply

Loading...