Home NATIONWIDE Contractor ng itinatayong Gusali ng Senado, kinasuhan ng Tax Evasion sa DOJ

Contractor ng itinatayong Gusali ng Senado, kinasuhan ng Tax Evasion sa DOJ

MANILA, Philippines – Kinasuhan ng tax evasion sa Department of Justice (DOJ) ang contractor ng itinatayong bagong gusali ng Senado sa Taguig City.

Ayon kay Bureau of International Revenue Commissioner Romeo Lumagui Jr., ang construction company na Hilmarc’s Construction Corporation at ang mga opisyal at accountant nito ay kabilang sa
69 na korporasyon na kinasuhan ng tax evasion.

“Itong construction firm na ito ay malaki ang mga pekeng resibo na ginamit nito. Sikat na sikat na construction firm ito,” sabi ni Lumagui.

Sa kanilang website, ang Hilmarc’s ang contractor ng itinatayong bagong Senate building sa Taguig City.

Bukod sa Senate Building, ilan sa ongoing projects ng Hilmarc’s ay ang malalaking proyekto ng gobyerno gaya na North South Commuter Railway Project, National Academy of Sports, UST Hospital at ang renovation sa Philippine General Hospital (PGH).

Ayon kay Commissioner Lumagui Jr., mabigat ang paglabag ng kompanya dahil bukod sa paggamit ng ghost receipts para hindi makapagbayad ng tamang buwis ay nag-a-apply din ito para sa VAT refund.

Nabatid na nasa ₱600,000,000 ang hindi nabayarang buwis ng Hilmarc’s. Teresa Tavares

Previous articleSigning, turn-over ng Backscatter X-Ray Machine sa BJMP idinaos
Next articleTIGNAN: Kilos-protesta ng iba’t ibang grupo sa Maynila vs PUV modernization