Home HOME BANNER STORY Contractual workers pinasasama sa dagdag-P100 minimum wage

Contractual workers pinasasama sa dagdag-P100 minimum wage

MANILA, Philippines – Pinasasaama ng isang senadora ang mga indibidwal na nagtatrabaho sa ilalim ng contractual, sub-contractual agreements o manpower agencies sa panukalang batas na nagmumungkahi ng dagdag na P100 sa arawang minimum na sahod para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Partikular na binanggit ni Senate Minority Leader Risa Hontiveros ang mga construction worker, security guard, utilities, waiters, at iba pang manggagawa sa service sector, na karaniwang nasa ilalim ng contractual o sub-contractual agreements.

“Ito ay paraan para maipamalas natin ang equal treatment at fair labor practices para sa lahat ng manggagawa, ano pa man ang kanyang employment status,” saad ni Hontiveros.

Nauna nang ipinasa ng mga senador ang Senate Bill No. 2534, na kilala rin bilang “PHP100 Daily Minimum Wage Increase Act of 2023,” na nag-uutos ng P100 araw-araw na pagtaas ng sahod para sa lahat ng manggagawa sa pribadong sektor, parehong sektor ng agrikultura at hindi pang-agrikultura.

Hinimok naman ni Senator Grace Poe ang mga employer na magbigay ng allowance at benepisyo sa kanilang mga manggagawa para matulungan silang makayanan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at produktong petrolyo.

Sinabi ni Poe na ang tulong ay makatutulong sa mga kumikita ng sahod sa bansa habang inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ng wage hike bill.

Parehong binanggit nina Hontiveros at Poe ang pag-aaral noong Enero 2024 ng IBON Foundation na nagsiwalat na ang isang pamilya na may limang miyembro sa Metro Manila ay nangangailangan ng PHP1,193 kada araw o PHP25,946 kada buwan upang mapanatili ang disenteng antas ng pamumuhay.

Gayunpaman, noong Hulyo 16, 2023, ang pang-araw-araw na minimum na sahod ng National Capital Region ay nasa kalahati lamang ng nasabing halaga. RNT

Previous articleAntas ng tubig sa Angat, La Mesa dam mataas pa rin
Next articleNet income ng GSIS, tumaas sa P113B sa 2023