Home METRO Convenience store hinoldap ng dating empleyado, kasabwat!

Convenience store hinoldap ng dating empleyado, kasabwat!

CAVITE- Nadakip ang mga awtoridad ang dalawang suspek na sangkot umano sa robbery-holdup ng isang convenience store sa Amadeo nitong Linggo.

Kinilala ni Amadeo Municipal Police Station (MPS) Chief of Police Maj. Gilbert H. Derla ang mga suspek na sina alyas Ricky at alyas John, dating empleyado ng convenience store.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, dumating umano ang mga suspek sa store ng alas-6:10 ng umaga, kung saan nagdeklara si John ng holdup at alyas Ricky bilang tagabantay.

Sinabi ni Derla na pamilyar si John sa routine ng store personnel dahil dati itong nagtrabaho dito.

Natangay ng mga suspek ang P68,000 mula sa cashier.

Naaresto sina alyas Ricky at alyas John sa parehong araw sa hiwalay na follow-up operations.

Kasalukuyan silang nasa kustodiya ng Amadeo MPS at nakatakdang sumailalim sa inquest proceedings ngayong Martes. RNT/SA