Home NATIONWIDE COP28 pledges kapos sa paglimita sa global warming sa 1.5°C

COP28 pledges kapos sa paglimita sa global warming sa 1.5°C

DUBAI- Hindi magiging sapat ang bagong pledges na inanunsyo sa COP28 climate summit upang limitahan ang global warming sa 1.5 degrees Celsius, ayon sa International Energy Agency (IEA) nitong Linggo.

Sa kasalukuyan, sumang-ayon ang 130 bansa sa pagtriple sa renewables at pagdoble sa rate ng energy efficiency improvements, habang pumayag ang 50 oil at gas companies na tatapyasan ang methane emissions at kakalusin ang routine flaring sa 2030 sa ilalim ng Oil and Gas Decarbonization Charter.

Sakaling maisakatuparan ang commitments na ito, maibababa nito ang global-energy related greenhouse gas emissions ng “4 billion metric tons of carbon dioxide equivalent in 2030,” ayon sa IEA analysis.

“They would not be nearly enough to move the world onto a path to reaching international climate targets,” giit ng IEA. “The IEA will continue to monitor the ongoing developments at COP28 and update its assessment as needed.”

Nauna nang inihayag ng IEA na kailangang makasunod ang mga bansa sa five key areas ng COP28 upang maging posible ang 1.5°C.

Bukod sa pagdagdag sa renewables, pagpapalakas sa energy efficiency at pagtapyas sa methane, sinabi nitong kinakailangan ng large-scale financing mechanism upang triplehin ang clean energy investment sa mahihirap na bansa. Iginiit din ng IEA na kailangang mag-comiit ang mundo na babawasan ang paggamit ng fossil fuels, at wawakasan ang bagong approvals ng “unabated” coal-fired power plants.

Aarangkada ang COP28 summit hanggang Dec. 12. RNT/SA

Previous articlePBBM balik-trabaho matapos masapul ng COVID; tutulak sa Japan para sa ASEAN-Japan commemorative summit
Next articleP510K shabu nasamsam, 2 suspek arestado