Home NATIONWIDE Counterterrorism exercises ikinasa ng PCG at anim na bansa

Counterterrorism exercises ikinasa ng PCG at anim na bansa

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng counterterrorism simulation exercises ang Philippine Coast Guard (PCG) kasama ang South Korea sa katubigan ng Mactan sa Cebu kamakailan.

Ayon sa PCG, ang nasabing pagsasanay ay parte ng Asia Counterterrorism Intelligence Cooperation 2023 Exercise Exchange na inorganisa ng National Intelligence Coordinating Agency at South Korea’s National Intelligence Service.

Nakilahok dito ang bansang Indonesia, Kazakhstan, Malaysia, Thailand, at Uzbekistan, habang mga observers naman ang mga kinatawan ng Czech Republic, Japan, at Sweden.

Isinagawa ang mga exercises nitong Mayo 24 kung saan nagkaroon ng simulation sa pagpapatupad ng maritime law, maritime environmental protection at search-and-rescue operations (SAR).

“While the PCG is more known for search-and-rescue and maritime law enforcement operations, it also has anti-terrorism units and has been holding exercises against kidnapping,” ayon sa PCG.

Una na ring sinabi ng PCG na magkakaroon ng kauna-unahang ‘trilateral maritime exercises’ ang PCG kasama ang United States CoaSt Guard at Japan Coast Guard ngayong linggo. Tututok naman ito sa ‘interoperability’ nila laban sa pamimirata, SAR, at maritime law enforcement. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePresidente ng Ilocos Sur Polytechnic State College, utas sa road accident
Next article330 magsasaka, dating rebelde tumanggap ng lupa mula sa DAR