MANILA, Philippines- Tumaas ang bilang ng admission ng kaso ng COVID-19 sa mga pribadong ospital sa nakalipas na tatlong araw sabi ni Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPI) president Dr. Jose Rene de Grano sa public briefing.
Ayon kay de Grano, ang dating utilization rate ng COVID-19 space sa mga ospital ay humigit-kumulang 20%. Ngayon, ang rate ng paggamit ng mga pasilidad ng COVID-19 ay higit sa 20% hanggang 50%, depende sa mga COVID-19 na kama na inilaan ng ospital.
Karamihan sa mga kasong ito ay na-admit sa ospital dahil sa ibang sakit ngunit nang sumailalim sa test at screening ay naging positibo sa COVID-19 .
Advertisement