COVID-19 cases sa PH, 13, 777 na; 85 gumaling, 6 pa patay

COVID-19 cases sa PH, 13, 777 na; 85 gumaling, 6 pa patay

May 23, 2020 @ 4:53 PM 5 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Malapit nang umabot sa 14-libo ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa bansa.

Sa huling tala ng Department of Health (DOH) ngayong hapon, umakyat na sa 13, 777 ang kabuuang kaso ng sakit.

Sa nasabing bilang, 180 bagong kaso ang naidagdag.

Mula naman sa karagdagang bagong kaso, nakapagtala ng 114 bagong kaso sa NCR o 63 percent habang 66 bagong kaso naman ang naitala sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Inanunsyo rin ng DOH ang 85 bagong recoveries dahilan upang umabot na sa 3,177 ang kabuuan ng mga pasyenteng gumagaling sa sakit.

Kabilang dito ang mga pasyente na na-confine at mga pasyente na may mild, positive at asymptomatic na gumaling sa kanilang self isolation at home quarantine.

Samantala, anim naman ang nadagdag sa mga pumanaw sanhi upang umabot na sa 863 ang bilang nang mga namatay sa COVID-19. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Share

Leave a Reply

Loading...