‘COVID-19 Donation Dashboard’, inilunsad ng OCD, DICT

‘COVID-19 Donation Dashboard’, inilunsad ng OCD, DICT

July 1, 2020 @ 1:28 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Binuo ng Office of Civil Defense (OCD) at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang “COVID-19 Donations Dashboard” na layong magbigay ng detalye ng mga donasyong natanggap at naiulat sa ahensya,

Inilusad ang naturang “donations dashboad” upang pangasiwaan ang transparency sa pag-uulat ng mga donasyong hinawakan ng OCD alinsunod sa Administrative Order No. 27, series of 2020.

Real-time at patuloy na nag-uupdate ang dashboard data batay sa mga ulat na natatanggap nito.

Ayon naman kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mark Cashean Timbal, alinsunod ito sa pagiging transpareny ng pamahalaan sa gitna ng krisis sa kalusugan.

Maaaring ma-access ang COVID-19 Donations Dashboard sa pamamagitan ng: http://ocd.gov.ph/donations-dashboard.html at https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=3011075502321592&id=891396217622875. RNT/MM

Share

Comment (1)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...