COVID-19 FRONTLINERS: Janitor, basurero, streetsweeper, pina-aayudahan ni Imee

COVID-19 FRONTLINERS: Janitor, basurero, streetsweeper, pina-aayudahan ni Imee

April 5, 2020 @ 3:56 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Ipinananawagan ni Senator Imee Marcos na ituring bilang frontliners tulad ng medical staff ang mga basurero, street sweeper, janitor at iba pang mga manggagawa na katuwang sa paglilinis ng mga komunidad para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Sinabi ni Marcos na dapat tiyakin ang suportang pinansyal na matatanggap ng mga sanitation workers na may malaking ginagampanan at naitutulong sa mga ospital, tanggapan ng pamahalaan, condominium, super market at iba pang mga establisyimento para labanan ang nakahahawang sakit.

“Huwag nating kalimutan ang mga basurero, street sweepers at janitor na tumutulong para labanan ang COVID-19. Buwis-buhay din ang kanilang ginagawang trabaho,” giit ni Marcos.

Sa pagtaya ni Marcos, posibleng tumagal pa ang pinatutupad ng pamahalaan na lockdown sa buong Luzon, kaya inihain ni Marcos ang Senate Bill 1414 para masiguro ang proteksyon ng mga frontliners pati na rin ng mga ordinaryong mangagawang mawawalan ng kikitain dahil sa krisis dulot ng COVID-19.

Isinusulong ng nasabing panukalang batas na palawigin ang P200 bilyong emergency budget hanggang P750 bilyong na nakalaan sa isang programang tinawag ni Marcos na Pag-ASA: Alaga, Sustento, Angat.

Paliwanang ni Marcos, maisasakatuparan ang layunin ng nasabing programang Pag-ASA gamit ang iba pang nakatagong pondo sa mga ahensya ng gobyerno at mga pautang sa bangko.

Dagdag ni Marcos, dapat din isama at ituring na frontliners ang mga sundalo, pulis, immigration personnel, couriers at cargo handlers ng mga suplay ng pagkain at maging mga drayber ng shuttle service para sa mga staff ng mga ospital. Ernie Reyes

Share

Comments (3)

  • Alejandro A Dingle Reply

    Madam pakisama narin po bantay bayan enforcer ng baranggay salamat po.

    April 6, 2020 at 9:26 am
  • Conrado Reply

    Madamme, pano po mga kagaya ko na empleyado nga pero hindi nman po minimum ang pasahod dito po sa makati area.. Kc subcontractor lang po kami..

    April 6, 2020 at 6:23 pm
  • Joe Obille Reply

    Security guards are also Frontliners.

    April 9, 2020 at 3:57 pm

Leave a Reply

Loading...