COVID-19 isolation facility para sa inmates, binuksan sa Batangas

COVID-19 isolation facility para sa inmates, binuksan sa Batangas

May 23, 2020 @ 5:08 PM 5 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Binuksan na ang kauna-unahang COVID-19 Isolation facility para sa mga Persons Deprive of Liberty o PDL sa Batangas City.

Ito ay matapos na opisyal na itinurn over ng Batangas Provincial Government ang Batangas Isolation Facility sa Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon sa Barangay Malainin , Ibaan, Batangas.

 

“Batangas is the first province to initiate and organize a structure that will accommodate PDLs (Persons Deprived of Liberty) who will be positive with the COVID-19 virus. Una ang Batangas na gumawa ng paraan para maasikaso ang ating mga PDL na nagpositibo sa virus, alisin sila sa kampo o sa prison at ilagay sa isang facility na magkakarooon sila ng mas magandang kalagayan, mas mabibigyan ng karampatang lunas at importante hindi sila magkakahawaan,” ayon kay Regional Director Eduardo Janairo

Sinabi ni Janairo na dito rin ilalagay ang ibang magpopositibong residente ngunit hiwalay sa ibang building sa mga PDLs.

Mayroon itong 20 kuwarto lara sa mga lalake at 20 naman sa mga PDLs na babae.

Kasama namang mangangasiwa sa pasilidad ng DOH ang provincial Philipine National Police (PNP).

“This will be a secure facility for both local residents and PDLs who will undergo treatment and quarantine procedures. dagdag pa ng opisyal.

Ang nasabing pasilidad ay mayroong 100-bed capacity na dinisensyo bilang drug rehabilitation facility at nakilalang Malainin Rehabilitation Center at nagsilbing temporary shelter para sa mga evacuees noong pumutok ang Taal noong Enero at ngayon ay naconvert sa kauna-unahang isolation facility sa bansa para sa mga PDLs.

“Kailangang magkaroon ito ng sariling hospital facility na mangalalaga sa mga pasyente upang hindi na pumunta pa ng Batangas Medical Center.” ayon pa kay Janairo.

 

Sa datos ng DOH, isa ang CALABARZON ang may pinakamataas na naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Share

Leave a Reply

Loading...