MANILA, Philippines – Nagbabala ang OCTA Research ukol sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, kung saan ang paglago ay naitala sa positivity rate at ang average na growth rate sa buong bansa.
Saad sa datos na inanalisa ng grupo na ang positivity rate ng bansa ay kasalukuyang nasa 24.3%, habang ang pitong araw na average growth rate ay tumaas ng 3%.
Habang ang Metro Manila ay ang nakapagtala ng pinakamabilis na positivity rate na 25.8%, habang ang pitong araw na average growth rate nito ay bumaba ng 5% noong Mayo 13 hanggang 20, 2023. Ang rate ng paggamit nito sa healthcare ay nasa 30.5%, habang ang intensive care unit bed ang occupancy rate ay 27%.
Advertisement