Home HOME BANNER STORY COVID-19 positivity rate bumaba sa 8.6% – OCTA

COVID-19 positivity rate bumaba sa 8.6% – OCTA

MANILA, Philippines- Bumaba ang COVID-19 positivity rate nitong Linggo matapos maiulat ng health department ang 726 bagong impeksyon, batay sa datos ng independent monitoring group OCTA Research.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, bumaba ang seven-day positivity rate —porsyento ng mga nagpopositibo mula sa kabuuang bilang ng mga sinuri—sa 8.6% mula sa 10.3%.

Ito ay kasunod ng pagkakaulat ng Department of Health (DOH) ng 726 bagong kaso nitong Linggo, pinakamataas na arawang bilang sa loob ng anim na araw.

Sinabi pa ni David na halos 400 hanggang 500 bagong kaso ang inaasahang maitatala ngayong Lunes. RNT/SA

Previous articleDOH nakapagtala ng 726 dadgag-kaso ng COVID
Next articleSan Juan vice mayor Villa pumanaw na – Mayor Zamora