COVID-19 update: 163 bagong kaso, 92 pa gumaling, 11 nasawi sa virus – DOH

COVID-19 update: 163 bagong kaso, 92 pa gumaling, 11 nasawi sa virus – DOH

May 22, 2020 @ 4:18 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Nakapagtala pa ng panibagong 92 recoveries sa COVID- 19 ang Department of Health (DOH) ngayong hapon ng Biyernes.

Sa kabuuan, nasa 3,092 na ang bilang ng mga gumagaling sa sakit.

Nasa 11 naman ang nadagdag sa mga pumanaw dahilan para umabot na sa 857 ang kabuuang bilang ng death toll.

Nakapagtala rin ng 163 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sanhi upang umabot na sa kabuuang 13,597 ang kumpirmadong nagpositibo kung saan 9,468 ang active cases.

Sa nasabing bilang  ng karagdagang kaso, 91 ang naitala sa National Capital Region,  56 sa Region 7 at 16 kaso naman ang naitalang kaso sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Share

Leave a Reply

Loading...