COVID-19 update: 626 kabuuang kaso, 38 patay, 26 nakarekober

COVID-19 update: 626 kabuuang kaso, 38 patay, 26 nakarekober

March 25, 2020 @ 4:30 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Nakapagtala pa ng 83 bagong kaso ang Department of Health (DOH) hanggang kaninang alas 12 ng tanghali, Marso 25 kung saan nasa kabuuang 636 na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

Tatlo naman ang nadagdag na nasawi dahil sa virus kabilang dito si PH319, 56 anyos na lalaking Filipino mula Quezon City, walang travel at exposure history, Marso 20 ng gabi binawian ng buhay kung saa nakumpirmang positibo noong Marso 21. Si PH326 naman ay taga Caloocan City na isang 56 anyos na lalaki, Filipino, namatay noong Marso 16 ng madaling araw at wala ring history ng travel at exposure. Habang si PH29 naman ay taga Marikina City, babae, Filipino at edad 82, Marso 23 namatay pasado alas dos ng hapon at Marso 10 pa nakumpirmang positibo sa COVID-19.

 

Dahil dito ay umakyat na sa 38 ang kabuaang nasawi dahil sa sakit.

 

Nakapagtala rin ang DOH ng panibagong 6 na recoveries  kaya umabot na sa  kabuuang 26 ang gumagaling sa naturang sakit.

 

May ID ang mga pasyente na PH 95, PH10, PH18, PH82, PH31 at PH23.

 

Si PH 95 ay isang 65 anyos na babaeng Filipino mula Batangas na may travel history sa Italy.

 

Si PH10 ay mula Quezon City na nasa edad 57, lalaki, Filipino at may travel history sa Taiwan.

 

May travel history din sa Taiwan si PH18, lalaki, Filipino na taga Quezon City.

 

Wala namang travel o exposure history si PH82 na 66 anyos na lalaki at isang Filipino.

 

Habang may exposure naman sa pasyenteng may COVID-19 si PH 31 na isang 28 anyos na babaeng Filipino mula San Juan City.

 

Nasa 30 anyos naman mula din sa San Juan City si PH23 na walang travel o exposure history.

 

 

Kaugnay nito, nakatakdang magsagawa ng virtual presser ngayong hapon ang DOH para sa pinakahuling update kaugnay sa COVID-19. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Share

Leave a Reply

Loading...