Home HEALTH COVID active cases bumaba na sa 15,323

COVID active cases bumaba na sa 15,323

495
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) nitong Martes ng 1,002 bagong kaso ng COVID-19, na pinakamababa sa loob ng 20 araw.

Ito na rin ang ikaapat na sunod na araw ng pagbaba ng mga bagong kaso.

Samantala, bumaba rin ang bilang ng aktibong kaso 15,323.

Umabot naman na sa 4,130,267 ang nationwide COVID-19 tally.

Samantala, ang recovery tally ng bansa ay kasalukuyang nasa 4,048,478, habang ang death toll ay nasa 66,466.

Advertisement

Sa National Capital Region (NCR) pa rin naitala ang pinakamataas na bilang ng mga kaso sa nakalipas na 14 na araw na may 9,598, sinundan ng Calabarzon na may 5,534, Central Luzon na may 2,078, Western Visayas na may 1,433, at Bicol Region na may 833.

Ayon sa DOH, hindi bababa sa 5,381 na kama ang okupado, habang 20,074 ang bakante dahil ang bed occupancy sa bansa ay kasalukuyang nasa 21.1% noong Linggo. RNT

Previous articleWalang iregularidad sa “Sugar Fiasco 2.0” import order- Bersamin
Next articleM-5.0 na lindol yumanig sa Sarangani

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here