Home NATIONWIDE COVID cases inaasahang tataas sa JN.1

COVID cases inaasahang tataas sa JN.1

MANILA, Philippines- Inaasahan ng  Department of Health (DOH) na tataas ang kaso ng COVID-19 kasunod ng pagkatukoy sa Omicron subvariant JN.1 na nagdudulot ng  mpeksyon sa ibang bansa.

Ayon kay DOH Undersecretary Eric Tayag, dahil sa holiday travel at pakikisalamuha sa mga tao na lumalabas sa kanilang tahanan, ang DOH aniya ay naghahanda sa isang katulad na sitwasyon.

Kinumpirma ng DOH ang pagkakatukoy sa 18 kaso ng JN.1 sa bansa matapos maiulat ang 50% increase sa bagong COVID-19 infections.

Ang subvariant ay kasalukuyang nangungunang sanhi ng impeksyon sa US na umabot na sa 44% ng kabuuang kaso doon.

Base sa kanilang monitoring, sinabi ni Tayag na wala pa ring pagsirit sa hospital admissions. Wala ring severe cases ng JN.1 sa bansa.

Sinabi ni Tayag na ang umiiral na COVID-19 vaccines ay nanatiling epektibo laban sa JN.1 kahit pa highly transmissible ang virus.

Patuloy na pinaalalahanan ang publiko na laging maghugas ng kamay at iwasan ang matataong lugar.

Para sa vulnerable population, inirerekomenda ang pagsusuot ng face masks at kumpletuhin ang kanilang booster shots bilang karagdagang proteksyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleSari-saring paputok nakumpiska sa Divisoria
Next articlePag-atake sa Gaza refugee camp kinondena ng WHO