MANILA, Philippines – Bumaba pa sa 11.6% ang weekly COVID-19 positivity rate sa Metro Manila ayon sa OCTA Research group hanggang nitong Hunyo 10.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, ang positivity rate sa rehiyon ay nasa 16.7% noong Hunyo 3.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa dami ng mga nagpopositibo sa COVID-19 mula sa mga sumasailalim sa testing.
Nasa 5% naman ang inirerekomendang threshold ng World Health Organization sa positivity rate para masabing kontrolado ang pagkalat ng COVID-19.
“At this time, with about 10 percent positivity [rate], it’s relatively safe na,” ayon kay David.
Sa kabila nito, nagbabala pa rin siya na mataas pa rin ang bantang magkaroon ng severe COVID-19 ang mga hindi bakunado.
Samantala, nakapagtala ng pagtaas sa positivity rate ang mga probinsya ng Cagayan, Camarines Sur, La Union, Oriental Mindoro, Pampanga at Tarlac, habang bumaba naman sa ilang probinsya. RNT/JGC