MANILA, Philippines – Tumaas pa sa 26% ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila hanggang nitong Mayo 17, ayon kay Octa Research fellow Guido David.
Ayon kay David, ang seven-day positivity rate ay nasa 25.9% na.
“Meanwhile, hospital occupancy in the NCR increased slightly from 28 percent (May 10) to 30 percent (May 17) while ICU occupancy increased from 23 percent to 25 percent over the same time period,” dagdag pa niya.
Samantala, sinabi pa ni David na ang nationwide COVID-19 positivity rate naman ay nasa 24.1% batay sa May 18 report ng Department of Health na 2,014 bagong kaso ng sakit.
Mas mataas ito sa naitalang 23.8% na positivity rate ng COVID-19 sa bansa sa nakaraang araw. RNT/JGC