MANILA, Philippines – Maaring naabot na ang peak ang mga impeksyon sa Covid-19 sa Metro Manila, sinabi ng OCTA Research nitong Martes.
Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, ang positivity rate sa National Capital Region o NCR sa nagdaang linggo ay bumagsak mula 26.1% hanggang 25.2% noong May 21.
“It looks like the trend has peaked,” sabi ni David sa isang social media post.
Binanggit ni David na sa nasabing panahon bumaba rin ang occupancy sa ospital mula 29.7% hanggang 28.8%.
Iniulat naman ng Department of Health nitong Lunes na ang bansa ay nakapagtala ng 12,426 na bagong Covid-19 cases noong May 15 hanggang 21. Jocelyn Tabangcura-Domenden