MANILA, Philippines – Bumaba ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) sa 23.7% noong Mayo 24, ayon sa independent monitoring group na OCTA Research.
Ani OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang pitong araw na COVID-19 positivity rate ng NCR ay bumaba sa 23.7% noong Mayo 24 mula sa 26% noong Mayo 17.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsyento ng mga taong napag-alamang positibo para sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na nasuri.
Sinabi ni David na bahagyang tumaas ang hospital occupancy rate sa Metro Manila sa 28.6% mula sa 28.1%, habang ang intensive care unit occupancy rate ay bumaba mula 24.5% hanggang 23% sa parehong panahon. RNT