Home NATIONWIDE COVID test itutuloy na ng RITM

COVID test itutuloy na ng RITM

300
0
MANILA, Philippines – Ipagpapatuloy na ng Research Institute for Tropical Medicine ang RT-PCR testing para sa  COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH) matapos makapagsumite ng mga kinakailangang requirements para sa ‘compliance to operate.’
Ayon sa DOH, naresolba na ng Health Facilities and Services Regulatory Bureau nito ang usapin at naglabas na ng license to operate sa RITM upang magsagawa ng RT-PCR testing para sa Covid-19.
“The DOH assures the public that the RITM will continue to provide its healthcare services to the Filipino people,” ayon sa ahensya.
Inanunsyo ng RITM noong Huwebes na pansamantalang ititigil ang RT-PCR testing para sa Covid-19 simula May 18 ngunit hindi nagbigay ng anumang kadahilanan.
Ang Philippine Heart Center ay nagpapatupad ngayon ng paghihigpit sa mga bisita dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19.
Sa kanilang Facebook page, sinabi ng RITM na titigil muna sa pagtanggap ng specimens para sa Covid-19 testing at hindi tatanggap ng lahat ng kumpirnadong Covid-19 test appointments.
Ngunit sinabi ng DOH na pinapayagan na ngayong ipagpatuloy ng RITM ang kanilang serbisyo.
“There were documents for compliance but the RITM was able to submit the necessary requirements to operate. Hence, LTO from HFSRB. Thus, they can and are still allowed to continue with their services,” sabi ng  DOH. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Previous articleAktibong kaso ng COVID sa Pinas sumirit sa 16,577
Next articleBivalent COVID vax may bisa pa rin vs Arcturus variant

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here