Home HEALTH COVID variant nananatiling banta sa mundo – WHO

COVID variant nananatiling banta sa mundo – WHO

MANILA, Philippines – Nananatiling banta ang COVID-19 sa mundo, babala ng World Health Organization nitong Martes, Nobyembre 21.

“This virus, SARS-CoV-2, is circulating in every country right now and it still poses a threat,” pahayag ni WHO expert Maria Van Kerkhove.

“We have to remain vigilant because the virus is circulating, evolving and changing,” pagbabahagi niya sa diskusyon sa social media channels ng WHO.

Si Van Kerkhove ang technical lead ng WHO sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, at ngayon ay
interim director for epidemic and pandemic preparedness and prevention.

Sa kasalukuyan ay mayroong tatlong variants of interest, ang XBB.1.5, XXB.1.16 at EG.5. Mayroon namang anim na variants na under monitoring, o mas mababang lebel ng pangamba.

“We don’t see a change in severity” kumpara sa ibang variant sub-lineages, ani Van Kerkhove, ngunit “we’ve seen a slow and steady increase in its detection around the world”.

Layunin ng bagong klasipikasyon na mapalakas pa ang surveillance at research.

Naglathala rin ang WHO ng bagong risk evaluation para sa EG.5, na nagrerepresenta sa halos kalahati ng sequences sa mundo, bagama’t hindi naman nakapagtala ang WHO ng pag-iiba sa severity nito.

Matatandaan na idineklara ng WHO ang public health emergency of international concern dahil sa COVID-19 noong Enero 30, 2020 at inalis na noong Mayo 5. RNT/JGC

Previous articleNoKor naglunsad ng kauna-unahang spy satellite
Next articleBilly, naka-move on na kay Vice, nagpakape!