Home NATIONWIDE CPC ng may-ari ng MT Princess Empress binawi ng Marina

CPC ng may-ari ng MT Princess Empress binawi ng Marina

287
0

MANILA, Philippines – Binawi ng Maritime Industry Authority – National Capital Region (Marina-NCR) ang Certificate of Public Convenience ng shipping company na nagpapatakbo sa MT Princess Empress, ang tanker na nagdulot ng malawakang oil spill sa Oriental Mindoro at iba pang lugar.

Sa pahayag ng Department of Transportation (DOTr) nitong Huwebes, Mayo 18, sinabi nito na kinansela ng Marina ang certificate ng RDC Reield Marine Services, Inc. sa isang resolusyon na may petsang Mayo 11, dahil napag-alaman na nagpapatakbo ng tanker ang naturang kompanya kahit hindi pinahihintulutan.

Inaalam pa ng DOTR sa ngayon ang posibilidad na may sangkot na tauhan mula sa maritime authorities dahilan para lumubog ang barko.

Sinabi rin ng ahensya na bagama’t hindi ito awtorisado na mag-operate ay naglayag pa rin ito ng hanggang 17 beses bago lumubog noong Pebrero 28, 2023.

“We have had sinkings before but no one has been held to account. This time all parties, whether private or public, will be held accountable. There will be no exception,” sinabi ni Transportation Sec. Jaime Bautista.

“Our policy is zero tolerance to shortcuts, official negligence, and disregard of rules. The rule of law, good governance and best practices must prevail throughout the department and its agencies,” dagdag pa niya.

Matatandaan na lumubog sa dagat na sakop ng Naujan, Oriental Mindoro ang MT Princess Empress karga ang 900,000 litro ng industrial fuel dahilan para magkaroon ng oil spill sa lugar. RNT/JGC

Previous articleVisa issue ‘di naresolba sa 2-day PH-Kuwait meeting
Next articleKapatid ni Ethel, inilaglag ang Family Feud!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here