Home HOME BANNER STORY CPP: Pinas, madadawit sa posibleng US-China war sa bagong EDCA sites 

CPP: Pinas, madadawit sa posibleng US-China war sa bagong EDCA sites 

118
0

MANILA, Philippines- Inihayag ng Communist Party of the Philippines (CPP) nitong Linggo na ang pagpayag sa United States na magtalaga ng apat na bagong sites para sa full implementation ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at muling pagkakasa ng joint patrols sa South China Sea ang maglalagay sa Pilipinas sa pagitan ng US at China sakaling magkaroon ng digmaan sa pagitan ng dalawang bansa.

Inihayag ito ni CPP Chief Information Officer Marco Valbuena kasunod ng pagbisita ni US Defense Secretary Lloyd Austin III sa Pilipinas kamakailan, na tinawag ni Valbuena na “part of the US government’s continuing strategy of preparing the war theater against China.”

“In doing so, Marcos is more and more allowing the Philippines to be used by the US as a launching pad for its provocations against China. He is practically allowing the imperialist US to drag the Philippines into a war against its own interest,” anang CPP official.

Idinagdag ni Valbuena na sa pagpayag sa US na gamitin ang bansa bilang base para sa mga operasyon nito, ginagawa ni Marcos na target ng weapons ng China ang Pilipinas.

Sinabi ni Austin nitong Huwebes na sila ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr. “agreed to restart joint maritime patrols in the South China Sea to help address (security) challenges.”

Inanunsyo rin ng Department of National Defense (DND) ang kasunduan na nagbibigay sa US troops ng access sa apat pang base sa strategic areas ng bansa, upang pabilisin ang full implementation ng EDCA.

Nilagdaan noong 2014, ginawaran ng EDCA ang US troops ng access sa designated Philippine military facilities; karapatang magtayo ng pasilidad, at maglagay ng equipment, aircraft at vessels; maliban sa permanent basing.

“The Filipino people, together with peoples of Asia and the world, must continue to demand a stop to imperialist war mongering and an end to war preparations especially by the US,” giit  ni Valbuena.

“They must demand the dismantling of all US military bases and call for the removal of US and other foreign military troops in the country, as well as the dismantling of Chinese military facilities within its maritime territory.”

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang Malacañang at ang Department of Foreign Affairs ukol sa pahayag ng CPP. RNT/SA

Previous articleBagong COVID cases, 36 lang
Next articleOCD: Davao de Oro quake infra damage, sumampa sa P21M