Home ENTERTAINMENT Cristine, aminadong na-pressure sa Martyr or Murderer!

Cristine, aminadong na-pressure sa Martyr or Murderer!

123
0

Manila, Philippines – Sa March 1 ay ipalalabas na sa mga sinehan ang Martyr or Murderer, ang ikalawang yugto sa mega blockbuster hit na Maid In Malacanang ng direktor na si Darryl Yap. Mula ito sa Viva Films.

Ipakikita ng pelikula ang nangyari sa pamilya Marcos bago at matapos ang EDSA revolutiion, isang pasilip sa kanilang life in excile.

Si Cristine Reyes ang gumanap na Senator Imee Marcos sa Martyr or Murderer.

Aminado si Cristine na pressured siya sa pagganap sa role ni Sen. Imee.

“Well, pressure talaga as in like pressure cooker,” natatawanng sabi ni Cristine.

Patuloy niya, “Totoo naman kasi napakalaki talaga ng role ni Senator Imee Marcos sa kanyang pamilya. And maski ako, nu’ng binasa ko ‘yung script ng part 1 and part 2 parang, I think sa karamihan hindi natin alam ‘yung ginampanan ni Sen. Imee Marcos back in a day.

“So I think this is a revelation to everyone even to me. So hindi ko alam parang nagkataon din na nangyari sa personal life ko ‘yung parang na-connect din kay Senator Imee.

“I’m not saying yung pinagdaanan niya, ganoon din ‘yung pinagdaanan ko.

“But I felt her pain. And I felt her being the daughter of former president. And I felt her humanity,” aniya pa.

Ano ang inaasahan ng mga tao sa Martyr or Murderer?

“Madudurog ang puso nila. Yun lang,” tanging sagot ni Crisstine.

Sa Martyr or Murderer ay gumaganap dito si Cesar Montano bilang si former president Ferdinand Marcos, Ruffa Guttirez bilang si Madam Imelda Marcos, Diego Loyzaga bilang si Presient Bongbong Marcos Jr., Ella Cruz bilang si Irene.

Si Isko Moreno ang gumanap na Ninoy Aquino. Rommel Placente

Previous articlePagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan sa CDO, tinintahan
Next articleWalang bagyong inaasahan sa weekend – PAGASA