Home ENTERTAINMENT Cristine, nadenggoy!

Cristine, nadenggoy!

Manila, Philippines- Cristine Reyes took to Instagram her apologies to her showbiz peers and friends sa paghingi ng tulong sa mga ito para sa isang charity drive that never existed.

Taong 2021 daw nang lapitan si Cristine ng isang tao na nangangalap ng donasyon.

Ito’y para raw sa mga batang may malubhang karamdaman.

Moved by the person’s story, hindi naman nag-atubili ang aktres.

“Kinalampag” daw niya ang kanyang mga kaibigan for help.

Sa awa naman daw ng Diyos, nakalikom siya ng mahigit kalahating milyong piso at saka ibinigay sa taong dumulog sa kanya.

Ganoon na lang daw ang pagtataka ni Cristine na hindi na siya muling binalikan ng taong kausap.

Nais daw sana niyang kumustahin kung hanggang saan nakarating ang perang dinoneyt niya.

Cristina had also been meaning to pay a personal visit to the sick children to cheer them up.

Sa Instagram idinaan ng aktres ang paghingi niya ng paumanhin sa mga hiningan niya ng tulong.

Sumagi kasi sa isip ni Cristine ang inabot na malas noong 2021 with her fund-raising drive nitong latter part ng buwan ng Mayo.

Nangalap din kasi ng pondo ang aktres para sa National Center for Mental Health.

Hindi man daw gaanong kalakihan ang nalikom niya’y nakatulong din ito kahit paano para sa mga pangangailangan ng mga in need na tao.

Itinuturing na lesson learned ni Cristine ang 2021 experience lalo na sa mga taong mapagsamantala vis a vis the kind-hearted people na bahala na raw suklian ng Nasa Itaas.

By the way, Cristine is a renewed Christian tulad ng nobyong si Marco Gumabao. Ronnie Carrasco III