Manila, Philippines – Para kay Cristy Fermin, hindi na dapat pumapatol sa mga bashers at trolls si Sharon Cuneta.
Ito’y matapos ngang banatan ni Megastar ang isang netizen na nambasag sa kanyang Instagram post patungkol sa panganay niyang anak na si KC Concepcion.
“Hindi na naman niya nakontrol ang kanyang sarili. Kasi bilang isang pampublikong personalidad ang mga artista, kailangan ang mga fans,” sabi ni Cristy sa online show nila na Showbiz Now Na!
“Kailangan ang ating mga kababayan. Hindi dapat sila nagsasalita ng hindi namin kayo kailangan,” aniya pa.
Sey naman ng co host ni Cristy na si Wendel, “Kailangan talaga maghinahon si Sharon sa mga sagot niya at hayaan na lang niya ‘yung mga basher kung ano man ang sasabihin nila.”
Sey pa ni Cristy, isang public figure si Sharon at sikat na personalidad sa mundo ng showbiz kaya natural lang na makatanggap siya ng mga pang-ookray at panlalait. Rommel Placente