Home ENTERTAINMENT Cristy, nagsalita na, di iboboto si Willie!

Cristy, nagsalita na, di iboboto si Willie!

Manila, Philippines- Mismong si Willie Revillame na ang nag-anunsyo na sasabak siya sa pulitika.

Ang susunod na halalan para sa mga lokal at pambansang posisyon ay sa 2025.

Kasamang pamimilian ang 13 senador.

Puntorya ni Willie ang mapabilang sa senado.

Matatandaang mismong ang noo’y Pangulong Rodrigo Duterte ang “nanligaw” sa TV host para tumakbong senador.

Sa palasyo ng Malacanang nakipagpulong si Willie mula sa paanyaya ni Bong Go who would later become a senator himself.

Dangan nga lang at abala noon si Willie sa kanyang programang Wowowin kung kaya’t hindi niya itinuloy ang kanyang pagtakbo.

Nitong January 28, sa Hakbang sa Maisug prayer rally sa San Pedro Square sa Davao City ay inihayag na ni Willie ang kanyang kahandaan sa pulitika.

Aniya, kusang loob daw ang gagawin niyang pagtulong tulad ng ginagawa niya noong aktibo pa siya bilang TV host.

‘Yun nga lang, this was not taken well by his erstwhile veteran reporter-friend Cristy Fermin.

Partikular na kinuwestyon ni Cristy ang pahayag ni Willia na kusang-loob daw ang pagtulong nito.

Ani Cristy: “Tumutulong siya pero nanunudsod naman!”

Sa mas simpleng kataga, diretsahang sinabi ni Cristy na tumutulong nga si Willie pero mapanumbat naman.

“‘Yun ba ang kusang loob?!” ani Cristy.

Hindi pa man ay nakapagsalita na si Cristy na hinding-hindi niya iboboto si Willie sa posisyong inaasinta niya.

Maitatanong lang: bumoboto nga ba si Cristy tuwing eleksyon?

Hango ba sa personal niyang karanasan ang pagiging mapanumbat ni Willie?

Will Willie lift a finger to reconcile with Cristy lalo’t kailangan niya ng milyahe sa publisidad para makatulong sa kanyang kandidatura? Ronnie Carrasco III

Previous articleReligious group pabor sa pagpapatigil ng people’s initiative
Next articlePH Navy: Halos 25 Chinese warships umaaligid sa Mischief Reef