Home NATIONWIDE ‘Critical partnership’ sa Fil-Chinese groups, panatilihin – PBBM

‘Critical partnership’ sa Fil-Chinese groups, panatilihin – PBBM

MANILA, Philippines- Binigyang-diin ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. ang  “necessary partnership” na mayroon ang gobyerno ng Pilipinas para  muling pasiglahin at palakasin ang ekonomiya kasama ang mga negosyanteng Filipino-Chinese.

Sinabi ito ng Pangulo sa oathtaking ceremony ng mga bagong opisyal ng Federation of Filipino-Chinese of Commerce and Industry, Inc. sa  Kalayaan Hall ng Palasyo ng Malakanyang.

Sa naging talumpati ng Pangulo, iginiit nito na ang polisiya ng kanyang administrasyon ay ang panatilihin ang  “critical partners” pagdating sa  transpormasyon ng ekonomiya ng Pilipinas.

“As in every mutually beneficial partnership, the Federation will rest assured that this administration will continue to support this healthy relationship,”  ayon kay Pangulong Marcos.

“It is not only a healthy relationship, it is one that we consider to be a necessary partnership, and I think it has been made clear that the policy of this administration is to have the critical partners in the transformation of our economy as critical partners in the private sector and as leaders in the private sector. Then we will look once again to you for your assistance, your partnership, and your continuing commitment to make the lives of ordinary Filipinos better,” dagdag na wika ng Pangulo.

Tinuran pa nito na mayroong parehong ideya ang pamahalaan  at ang pederasyon  pagdating sa pagpapalakas ng ekonomiya.

Sinabi pa ng Pangulo na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon  na gamitin ang partnership nito sa Filipino-Chinese groups “for the  betterment of the public.”

“So as part of this administration’s agenda, partnership with the private sector has been actively pursued and nurtured in recognition of this essential role that you play in our development,” ayon sa Pangulo.

“Definitely this is a partnership that my administration will continue to preserve, harness and enhance so that it may bring forth greater benefits for businesses, our citizens and our country,” dagdag na pahayag nito.

Tinuran pa ng Pangulo na ipagpapatuloy din ng gobyerno na pakinggan ang mga concerns  ng pribadong sektor at gawin ang lahat ng pagsisikap para i-improve ang business climate at tiyakin na magiging madali ang pagnenegosyo sa bansa.

“We are now exerting effort to provide and improve our tax administration and fiscal incentives system amongst others strategic interventions. We are also streamlining existing regulatory mechanism through expedited and integrated processes and digitalization of key government services,” ayon kay Pangulong Marcos.

Samantala, kumpiyansang sinabi naman ni Pangulong Marcos na ang bagong set of officers ay “we will have positive influencers and prime movers in our communities to ably guide or economy to greater heights.”

“To the new officers who will be assuming, greater social responsibilities and challenges, we wish you the success of your leadership. May you sustain the Federation’s long and storied legacy in Philippine society,”  ang pahayag ni Pangulong Marcos. Kris Jose

Previous articlePROSTATE CANCER, 1 SA MGA  PUMAPATAY SA KALALAKIHAN
Next articleG7 BACK UP NI PBBM