MANILA, Philippines- Nakapagtala sa pagtatapos ng Hunyo ng mabagal na pagkilos kumpara sa naitala noong nakaraang taon. sa Philippine crop at fish productions
Bumaba ang “crop output” ng bansa ng 0.9% habang ang “fish outputs” naman ay bumaba rin ng 11.3% sa second quarter ng 2023, makikita sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Gayunman, mas mababa ito kumpara sa 17% na paghina na naitala sa kaparehong panahon ng nakaraang taon, ayon sa preliminary data na ipinalabas ng statistics agency.
Nakapagrehistro ang volume ng crop production ng 17.9 million metric tons, bumaba mula sa 18 million metric tons na naitala sa kaparehong panahon ng nakarang taon.
Ang taunang pagbaba o paghina sa crop production sa nasabing quarter ay dahil sa pagkabawas sa output ng mais (0.8% ), sugarcane o tubo (11.3%), rubber, cuplump (8.5%), at kamote (7.5%).
Para sa fisheries production, nakapagtala ang industriya ng volume na 1.08 milion metric tons, bumaba mula sa 1.2 million metric tons output sa kaparehong quarter ng nakalipas na taon.
Sinabi ng PSA na ang nasabing pagbaba ay nag-ugat mula sa taunang paghina ng produksyon sa skipjack o gulyasan (49.2%), milkfish o bangus (19.1%), seaweed (4.9%), fimbriated sardines o tunsoy (42.2%), at yellowfin tuna o bariles (23.2%).
Samantala, ang produksyon ng livestock ay nakitaan ng pagtaas o paglago sa 540,560 metric tons, tumaas ng 0.6% mula sa 537,370 metric tons na naitala sa kaparehong panahon ng nakaraang taon.
Ang hog production ang “top contributor” sa nasabing pagtaas, lumago ng 1% kada taon.
Ang poultry output ay nakaranas ng pagtaas sa second quarter dahilan para makalikha ng 680,500 metric tons o hanggang 1.5% mula sa 670,590 metric tons ng nakalipas na taon.
Ito ayon sa PSA ay maaaring dahil sa pagtaas sa chicken output na nakapagtala ng 70.2 percent share ng poultry production. Kris Jose