Home NATIONWIDE Cruise ship na may higit 1K foreign tourists dumaong sa Coron

Cruise ship na may higit 1K foreign tourists dumaong sa Coron

MANILA, Philippines – Dumaong sa Port of Coron ang Cruise Ship na MV Aida Bella sakay ang halos mahigit 1,000 dayuhang turista at crew ayon sa Philippine Ports Authority.

Lulan nito ang nasa higit 600 crew at 1,000 dayuhan turista upang bisitahin ang world class, destinasyon sa ating bansa.

Kabilang sa kanilang bibisitahin ang Mt Tapyas, Mt. Maquinit Hotspring, Lualhati Park, Souvenir Shops ng Cashew factory, at St Augustine parish na matatagpuan sa Coron Palawan.

Hindi naman mawawala rito ang mga island tours kung saan makikita ang mga sikat na lawa tulad ng kayangan lake, barracuda lake, twin lagoon at iba pa.

Sinalubong naman ng mainit na pagtanggap ng mga kawani ng PMO, TMO at DOTR, at ng mga taga-Coron, Palawan, ang mga dayuhang turista kung saan sinabayan pa ng drum and bugle corps, tugtuging Pinoy, at Tinikling cheerdancing, na may makukulay na kausotan ng tatak-Pinoy.

Dagdag pa ng PPA, bago matapos ang taon ay umabot na sa siyam na cruise ship ang naitala at inaasahan pa na sa susunod na taon na mas higit pang madaragdagan ng labing dalawa ang bilang ng cruise ships base sa talaan narin ng Philippine Ports Authority (PPA). Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article8 PNP camps, real properties ipapangalan sa walong ex-pulis
Next articleNazareno planong ilagay sa loob ng glass case sa Traslacion